28

By

SEAG Test Event winalis ng Sibol

Agad nagpamalas ng kahandaan ang Team Sibol Pilipinas o national electronic sports team nang walisin ang tatlong medalyang ginto sa Test Event ng 30th Southeast Asian Games 2019 Lunes sa The Arena-San Juan City.

Nadale ng Nationals ang mga unang puwesto sa Tekken 7, DoTA 2, at Mobile Legends Bang Bang.

Unang umangkin ng panalo si Andreij “Doujin” Albar kontra Meat Indonesia sa Tekken 7, 4-1.

Tinumba ng ‘Pinas ang Malaysia sa DoTA 2 at ang crowd favorite Indonesians sa ML BB.

Ikinatuwa ni Team Pilipinas manager at Philippine Electronics Sports Union official Alvin Juban ang kahusayan at kahandaan ng bansa para sa nalalapit na 11-nation, 12-day sportsfest, susulong sa Nob. 30-Dis. 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?