63

By

SEAG gold alay ni Jamie kay Samboy

Emosyonal ang anak ni PBA legend Samboy “Skywalker” Lim na si Jamie Christine matapos makuha ang gintong medalya sa +61kg kumite event sa 30th SEA Games karate competition.

Sapul ng solidong kamao ni Lim si Zefanya Ceyco ng Indonesia sa huling 20 segundo upang makuha ang 2-1 victory.

“Parang lahat ng hardwork ko for five months, nakuha ko na finally,” hayag ng karatedo star. “And it just means so much to me kaya overwhelmed ako.”

Alay ng 22-year old athlete ang kanyang unang gold medal para kay Skywalker, na hanggang ngayon ay “under home care” matapos ma-stroke noong 2014.

“SEA Games gold is for dad. I can’t believe that both of them happened this year, 2019 is so perfect for me. I’m so grateful,” aniya.

Bagama’t nakagawa na ng sariling pangalan si Lim mula sa kanyang larangan, tinitingala pa rin niya ang kanyang ama bilang inspirasyon.

“He’s just my inspiration. I’m doing this for him, and that’s all going through my mind,” wika ni Jamie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?