140

By

SEAG creative director umamin: Pagsindi ng kaldero, pre-taped!

Kinumpirma ni creative director Floy Quintos nitong Martes na pre-recorded ang 30th Southeast Asian Games opening ceremony noong Sabado ng gabi.

Pag-amin ni Quintos, kinailangan ng kanilang grupo na paghandaan ang masamang panahon.

“We were working with a Filipino and foreign team and we were all in agreement that no one can tell what the weather will be like. It’s a creative solution,” paliwanag ni Quintos sa ANC’s Early Edition.

“Given the month it was happening, the original idea was to beam it. But anything could happen, at times like that you err on being sigurista. If it can happen live, why not but the storm is coming, we don’t know what the weather could be like.” saad rin nito.

Ipinunto rin ni Quintos na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho para sa maayos na opening ceremony.

“I think people are angry and concerned about it and rightly they should be. But as creators, our job really is to make sure nothing goes wrong,” sambit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?