83
falling
Nov 26, 2019 @ 9:36
By

SEAG construction worker nahulog sa scaffolding sa Rizal Stadium

Nagtamo ng leg injury ang isang construction worker matapos itong mahulog mula sa scaffolding sa Rizal Stadium, kung saan ginaganap ang men’s football event ng 2019 Southeast Asian Games.

Ayon sa report ng Manila Police District, nagtatanggal na ng mga scaffolding si Richard delos Santos, 45, residente ng Franco St, Tondo, Manila, nang aksidenteng mahulog dahil sa pag-ulan.

Nangyari ang aksidente bandang alas-11:50 ng umaga noong Lunes, at agad namang dinala si Delos Santos ng kanyang mga katrabaho sa Ospital ng Maynila para gamutin.

Kasalukuyan pang under observation ang nasabing construction worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?