271

By

SEA Games: PH nakahakot na ng 213 medalya!

Patuloy sa paghakot ng medalya ang Pilipinas sa ginaganap na 2019 Southeast Asian Games.

Batay sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee website, as of 8:00 pm nitong Sabado, Disyembre 7, mayroon nang 213 kabuuang medalya ang bansa.

Sa bilang, 85 ang gold; 63 ang silver at 65 ang bronze.

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa dami ng medalyang nasungkit sa SEAG.

Pumapangalawa ang Vietnam sa 152 medalyang naibulsa.

Isang medalya lang ang lamang nito sa pangatlong Indonesia sa 151 medal tally.

Samantala, bokya pa rin sa kahit na anong medalya ang bansang Timor-Leste.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?