34

By

SEA Games: Orcollo sumargo ng ginto

Pinataob ni Filipino cue artist Dennis Orcollo ang katunggaling si The Kien Do ng Vietnam, 9-8, para sungkitin ang gold medal sa 10-ball men’s singles, Lunes sa Manila Hotel Tent.

Ito na ang ikalawa niyang gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Hindi aniya inaasahan ni Orcollo na mananalo siya dahil magaling ang kanyang kalaban na deserving din na manalo.

Naglaro lang siya base sa kanyang mga naging karanasan sa ibang bansa, na maging pasensyoso at maghintay ng oportunidad.

Samantala, kapwa naman nakapagbulsa ng bronze medal sina Aloysius Yap ng Singapore at Ismael Kadir ng Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?