215

Nov 30, 2019 @ 12:01
By

SEA Games opening, ligtas kay ‘Kammuri’

Ligtas pa mula sa hagupit ng bagyong Kammuri ang opening ceremonies ng 2019 Southeast Asian Games ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

Base sa pagtataya ng Pagasa, ‘di pa magta-touchdown sa mainland ng Pilipinas ang bagyong tatawaging Tisoy sa opening hanggang kinabukasan ng Linggo, ang unang sigwada ng Games.

Inaasahang Martes o Miyerkoles na mararamdaman sa Luzon ang lakas ng bagyo kapag nag-landfall si Tisoy.

Tumbok ng bagyo ang Metro Manila, posibleng maapektuhan pa ang mga venues sa Subic, Clark at Southern Tagalog.

Magarbo at makulay pa naman ang inihandang palabas sa opening ceremonies.

Base sa mga nakalinyang performers, malaking musical extravaganza ang opening. Kabilang sa mga sinabing magpe-perform sina Apl. de. ap. at Blackeyed Peas, KZ Tandingan, Aicelle Santos, aawit ng national anthem si Lani Misalucha at ang Ramon Obusan Folkloric Group.

Behind-the-cameras ang National Artist for Music, ang Maestro na si Ryan Cayabyab.

Magpapasiklab din ng talento mula rap, kundiman at Francis M medley ang ilan pang performers na sina Elmo Magalona, Jed Madela, Christian Bautista, Inigo Pascual, Ana Fegi, Robert Sena.

Siyempre pa, gabi ng mga atleta kaya bongga rin ang parada.

Bubuksan ang ceremonies sa mala-Santacruzan na parada, tatayong muse ng bawat bansang kalahok ang 11 Filipina beauty queens.

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang sinasabing muse ng Team Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?