125

By

SEA Games: Kalei Mau tigpas na sa national volleyball team

Nanganganib ang kampanya ng Philippines women’s national volleyball team sa Southeast Asian Games dahil hindi na makakalaro para sa bansa ang power-hitting Filipino-American na si Kalei Mau.

Inanunsiyo ni Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) president Joey Romasanta nitong Biyernes na inalis sa roster ang 6-foot-2 spiker matapos bumagsak sa required minimum two-year residency.

Noong nakaraang taon lang dumating sa bansa ang University of Arizona standout.

Naglaro siya para sa Cocolife sa Philippine Superliga bago lumipat sa F2 Logistics kung saan siya ang tinanghal na All-Filipino Conference Most Valuable Player. Binitbit din niya ang Cargo Movers sa kampeonato.

Sa kasalukuyan ay nananatili siyang affiliated sa United States Volleyball Association.

Batay sa International Volleyball Federation at Asian Volleyball Confederation, kinakailangan ng isang player na manirahan ng at least dalawang taon sa bansang gusto niyang irepresenta sa international competition gaya ng SEA Games.

“We don’t want to jeopardize whatever problem she may encounter along the way. She could get suspended if she plays without securing transfer papers from the federation. I don’t know why she failed to submit the papers, but it really has to be her submitting it because she is a member. It’s not the LVPI,” paliwanag ni Romasanta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?