53

By

SEA Games: Gilas Pilipinas, Thailand girian sa finals

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
6 pm – Gilas vs. Thailand (W final)
8 pm – Gilas vs. Thailand (M final)

Martsa sa gold medal match ng 30th SEA Games men’s basketball ang Gilas Pilipinas matapos kalusin ang Indonesia 97-70 sa MOA Arena Lunes ng gabi.

‘Di makakalas sa first half ang Nationals, tinapakan ang silinyador sa third nang ma-outscore ang Indonesians 39-17

Unang bumiyahe sa final ang Thailand nang ipagpag ang Vietnam 101-95 sa unang semifinals sa hapon.

Anim na Thais ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng tig-19 nina Nakom Jaisanuk at Nattakam Muangboon.

Mula sa 39-28 lead sa break, nagliyab sa labas ng arc sina Chris Ross, Matthew Wright at Marcio Lassiter sa third at dumistansiya ang Pilipinos 78-45.

May tigatlong tres sina Ross at Wright sa third, mas marami pa ang combined score nila (19) kumpara sa Indons (17).

Pinangunahan ng 14 points ni Christian Standhardinger ang balanseng scoring ng PH quintet. Tumapos si Wright ng 13 points at 8 assists, 12 kay Vic Manuel at 11 kay Ross. Pinagsamang 6 of 11 sina Ross at Wright mula long range.
May 20 points si Juan Laurent Kokodiputra para sa Indonesia, kaagawan sa bronze medal ang Vietnam mamaya. Mas marami pang naipasok mula 3-point range ang Indonesia (16 of 40) kumpara sa two-pointers (9 of 26). Si Kokodiputra ay 6 for 13 sa 3s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?