81

By

SEA Games: Coveta gold sa windsurfing

Nasungkit ni two-time world champion Geylord Coveta ang gold medal nang manguna sa men’s RS: One windsurfing ng 30th Southeast Asian Games Lunes ng hapon sa Lighthouse Marina Resort ng Subic Freeport.

Umiskor ang 38-year-old windsurfing ace ng pitong puntos upang ungusan si Navin Singsart ng Thailand at Illham Wahab ng Malaysia.

Si Coveta na nakopo ang silver sa nasabing event sa Indonesia 2017 SEA Games ang world champion noong 2012 at 2017.

Pangalong gold medal ng Pilipinas sa windsurfing pagkalipas nina sailors Emerson Villena at Lester Troy Tayong sa men’s international 470 race.

Silver medal naman ang nasikwat ni Charizzanne Jewel Napa sa women’s windsurfing RS:X Under 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?