312

By

SEA Games chef Lim umamin: Chicken sausage mukhang kikiam nga

Naging usapin ang naging pahayag ni PH Malditas head coach Let Dimzon nang sabihing itlog, kanin at kikiam umano ang inihain sa mga atleta ng 2019 Southeast Asian Games.

Nilinaw na ito ng Whitewoods Convention & Leisure Hotel sa Cavite na hindi kikiam ang hinain nila sa mga delegado para sa biennial event kundi chicken sausage, dinepensa na wala ang street food sa kanilang mga menu.

Kinumpirma naman ni SEA Games executive chef Bruce Lim na hindi kikiam ang pinakain sa mga guest.

“It basically is just a chicken hotdog,” ayon kay Lim.

Aniya, nagmukha lang kikiam ang chicken sausage dahil nilagyan ito ng sauce na kaparehas sa kikiam kaya napagkamalan ito sa street food.

“The hotel wanted to liven it up a bit so what they did was saute it with soy sauce and different spices so it looked like kikiam, but it really wasn’t,” aniya pa.

Saad pa ni Lim, hindi pa siya sigurado sa kahihinatnan ng Malditas coach, na dinagdag ng chef na hindi naman umano tumikim si Dimzon ng chickens sausage.

“I think the hotel is requiring them to issue a public apology but that is out of my control. It’s up to the coach and the hotel,” lahad ng chef.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?