65
SCTEX magdaragdag ng 20 lanes
By

SCTEX magdaragdag ng 20 lanes

Asahan na umano ng mga motorista ang magaan na biyahe pa-Norte dahil sa nakatakdang pagdaragdag ng 20 lanes sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Sa pahayag, sinabi ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, magsisimula umano ang toll plaza capacity expansion project sa Hulyo at inaasahang matatapos ito sa Nobyembre.

Sakop umano nito ang Clark North, Clark South, San Miguel, Bamban (Tarlac) at Tarlac toll plazas.

Layon aniya nito na mapabilis ang toll transactions lalo na tuwing peak hours at holidays kung saan malala ang trapik sa mga expressway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?