85

By

Scottie MVP din!

Kung si coach Tim Cone ang tatanungin, hindi lang si Japeth Aguilar ang Finals MVP ng PBA Governors Cup.

Marami pang piyesa ang kanyang Ginebra na karapat-dapat sa award.

Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson. Kahit si Justin Brownlee, kung puwede lang gawaran nito.

Sa five-game series kontra Meralco na natapos sa 105-93 win sa MOA Arena noong Biyernes, pinaka-consistent si Aguilar sa 17.4 points, 7.0 rebounds at 3.4 blocks at siya ang pinagkalooban ng Honda PBA Press Corps Finals MVP plaque.

Pero ang nag-standout na hindi nakita sa stats, si Thompson.

“As big as the numbers Justin made and Stanley made, Scottie’s quiet numbers were really the key to us winning aside from Japeth,” ani Cone sa pangalawang beses niyang balik sa media room para sa post-finals interview. “If I had to pick a second (Finals) MVP, I would’ve picked Scottie.”

Nag-iba raw ang complexion ng laro nang ipabantay kay Thompson ang top local scorer ng Bolts na si Chris Newsome sa Game 3. Sa dalawang sumunod na laro, hindi na pinaporma ng Gin Kings guard ang kamador ng Bolts.

“Newsome just had his way with us in the first two games, but when Scottie picked him up in Game 3, it was a whole new story,” dagdag ni Cone, pinahaba pa ang salitang ‘winningest’ sa PBA sa kinolektang 22nd championship trophy.

Ikinumpara pa ng coach si Thompson sa dating enforcer ng Ginebra na si Rudy Hatfield na kahit hindi high scorer ay malakas ang impact sa laro mula Coca-Cola hanggang Gins.

“Scottie is the same way. He makes huge impact in the game though it doesn’t show in the stats,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?