55

By

Scarlet Snow, pinakabatang PH tourism ambassador

Sa edad na 4-anyos, napiling maging official tourism ambassador ng bansa si Scarlet Snow Belo.

Sa kanyang Instagram, binahagi ng anak nina Vicki Belo at Hayden ang deal nila ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

“Ok Tita Berna, let’s get to work and invite ALL the peoples of the world to our Philippines (but only as visitors, ok!) #ItsMoreFunInThePhilippines,” saad sa caption ni Scarlet sa litrato niya kasama ang kalihim ng DOT.

Winelcome naman ni Romulo-Puyat si Scarlet Snow bilang “youngest and cutest advocate of Philippine tourism.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?