95

Sep 4, 2019 @ 14:44
By

SC handa sa pag-ulan ng petisyon tungkol sa GCTA

Kasado na ang Korte Suprema sandaling dumugin ito ng sinumang partido na maghahain ng petisyon hinggil sa kontrobersiyal na implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng RA 10592.

Sa get-together event sa pangunguna ng magreretirong si Chief Justice Lucas Bersamin, sinabi nito na handa na ang kanilang tanggapan na saluhin, iproseso at talakayin ang anumang petisyon na ihahain kaugnay ng GCTA hangga’t mayroon itong kumpletong technical at procedural requirement at justiciable ang isang petisyon.

Subalit, iginiit ng punong mahistrado na magiging depende pa rin ang pagtalakay ng Korte Suprema sa lalamanin ng isang petisyon patungkol sa GCTA.

Nauna nang tinalakay ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ng ilang inmates ng New Bilibid Prison patungkol sa guidelines ng batas at kung maaari bang ipatupad ito retroactively.

“Kung ang isang petition ay kumpleto ng compliance sa technical requirements or procedure requirements, ay ipoproseso ng Supreme Court ‘yan. As to what issues would be raised there, it will depend on whether the issue is premature or not yet justiciable. Assuming na justiciable na ‘yan it can be accept. Although, we will wait for such eventuality doon sa GCTA,” ayon kay Bersamin.

“Patungkol sa GCTA, mahirap kong pangunahan kung ano ang ipa-file. It all depends on the crafting of the petition whether the Supreme Counrt can exercise its jurisdiction on a particular matter,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?