66

By

SBP tinangkang pigilan ang pag-resign ni Guiao sa Gilas

Mahirap man, kinailangang tanggapin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbibitiw ni Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, kakaibang tapang ang pinakita ni Guiao nang kanyang igiya ang national team sa panahong naghihikahos ito.

Ayon pa sa SBP, sinubukan nilang pigilan ang resignation ni Guiao ngunit hindi na nabago ang isip ng fiery mentor.

“It is with heavy heart that we accept coach Yeng’s resignation as the head coach of Gilas Pilipinas Men’s,” ayon kay Panlilio.

“The SBP thanked him for his contributions and wishes him well in all his future endeavors.”

Pinangunahan ni Guiao ang Gilas matapos ang kontrobersyal na ‘basketbrawl’ na 10 manlalaro ang pinatawan ng suspensyon at biglaang pagbibitiw din nina Chot Reyes at Jong Uichico sa national team.

“Even if the odds were stacked against him from the start, he took on the challenge head on and gave it his best shot,” saad ng SBP president.

“His selection to take over was unanimous and it spoke volumes about the respect that he has gained throughout his career from all members of the Philippine basketball community,” aniya pa.

Sa huling stint ni Guiao sa Gilas, umuwing walang panalo ang kanyang bataan sa katatapos lang na 2019 Fiba World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?