81

Feb 27, 2020 @ 20:07
By

Sarah, Matteo namili na ng gamit sa bahay

Simula na ang buhay mag-asawa nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Sa binahaging video ni Dra. Vicki Belo sa social media, magkasamang nag-shopping ng mga gamit para sa kanilang bahay ang bagong kasal.

Kabilang sa pinamili nila ang mga plato at baso.

Kasama nila ang cute na anak nina Belo at Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow.

“So happy to see Mr and Mrs Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties . @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much. Matteo though is so sweet and patient with her. He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world #AshMatt,” caption sa post ni Belo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?