187

Feb 20, 2020 @ 10:35
By

Sarah, Matteo ikakasal na?

Opisyal na nga bang magiging Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli ang sikat na popstar?

Sa report ni Ricky Lo sa The Philippine Star, sinabi ng entertainment editor na posibleng ngayong araw, February 20, ay ikakasal na si Sarah G sa kanyang fiancé na si Matteo Guidicelli.

Dadaluhan umano ng pamilya ni Matteo ang rumored wedding, habang ‘di pa sigurado kung sisipot ang magulang ni Sarah na sina Divine at Delfin.

Noong Pebrero 3 ay nag-apply na umano ang dalawa ng marriage license, habang may ilan namang mga haka-haka na baka sa March 14 ikasal ang dalawa sa hometown ng tatay ni Matteo sa Italy.

Ngunit ayon naman sa source sa ABS-CBN, busy sa shooting ngayon si Sarah G at posibleng manatiling rumor ang kanilang kasal ngayong araw

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?