131
Sara, Pulong, Baste Duterte naiproklama na sa Davao City
By

Sara, Pulong, Baste Duterte naiproklama na sa Davao City

Wagi sa eleksyon sa Davao City ang tatlong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Landslide ang pagkapanalo ni reelectionist Sara Duterte sa katunggaling si Jun Marcellones sa 580,058 votes kumpara sa 4,270 votes ng huli.

Wala namang kalaban sa pagka-bise alkalde si Sebastian “Baste” Duterte sa nabanggit na lungsod na nakakuha ng 557,769 votes.

Malaki naman ang agwat ng boto ni Paolo Duterte sa dalawang nakalaban niya sa pagka-kongresista ng 1st District.

Mayroong 197,024 si Pulong habang ang mga kalaban na sina Susana Uyanguren at Rex Labis ay nakahamig ng 5,135 at 2,124 votes, ayon sa pagkakasunod.

Iprinoklama silang nanalo ng Davao City Board of Canvassers noong Mayo 14 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?