59

By

Sara Duterte, Villar, Poe sa presidential race – Locsin

Kung si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang tatanungin, posibleng mga babae ang maglaban-laban sa presidential race sa 2022.

Pinangalanan ni Locsin sina Davao City Mayor Sara Duterte, Senators Cynthia Villar at Grace Poe bilang mga posibleng kandidato sa pagka-Pangulo sa darating na eleksyon.

Ito ang comment niya sa pinalulutang ng oposisyon na si human rights lawyer Chel Diokno ang maaaring maging standard bearer nila sa 2022.

“So it is President Sara, President Cynthia or President Grace,” tweet ni Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?