128

By

Sara Duterte kay Hontiveros: Ikaw ang dapat mag-resign!

Sinupalpal ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senadora Risa Hontiveros kaugnay sa panawagan nito na mag-resign na si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta.

Ipinagtanggol ng alkalde si Acosta at sinabihan si Hontiveros na siya ang dapat magbitiw sa tungkulin dahil na wala naman itong sinabing tama.

Ayon kay Mayor Sara, puro sablay si Hontiveros kayat dapat mag-isip isip ito sa halip na gamitin ang utak sa kanyang puwit.

“Ikaw dapat mag-resign dahil wala ka ng sinabi na tama. Lahat sablay. PAO chief Acosta is doing her job in assisting indigent litigants who want to sue. Dengvaxia eroded parent’s confidence in vaccines and you can easily verify this if you talk to the people in barangays instead of putting your head inside your behind all the time,” ani Mayor Sara.

Sinabi pa ng alkalde na maraming inosentemg buhay ang kinitil ng Dengvaxia subalit wala man lang ingay ang senadora patungkol sa pananahimik ng human rights groups.

Kinuwestiyon din ni Mayor Sara kung paano malulutas ang problema sa measles outbreak sa pagpapa-resign ni Hontiveros kay Acosta.

Dapat aniyang mag-isip ng solusyon sa halip na magsalita para lang may masabi, at dapat ding pag-isipan muna ang mga dapat sabihin para hindi nakakahiya ang senadora.

“Do not wag the dog. Dengvaxia killed innocent individuals, bakit wala ka human rights angle dito? Paano masolusyonan ang outbreak sa pagpaparesign kay Acosta? Mag-isip po tayo ng solusyon, hindi opposition para lang may masabi. Kapag gusto natin magsalita pagisipan muna para hindi nakakahiya,” dagdag-banat pa ni mayor Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?