98

By

Sara Duterte, Erap sanib-puwersa sa 2019 polls

Sinelyuhan nina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagsasama ng kanilang puwersa sa darating na midterm elections.

Nitong Lunes, sabay na lumagda sina Estrada at Carpio para sa pagsasanib ng kanilang partido na Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila.

Naniniwala si Estrada na ang partnership ng HNP at PMP ay magbibigay sa Maynila ng kapayapaan at maging drug-free tulad ng sa Davao.

Kabilang sa present sa ginawang paglagda sina re-electionist Sonny Angara, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Juan Ponce Enrile.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?