323
Sara Duterte: De Lima, matalinong bobo!
By

Sara Duterte: De Lima, matalinong bobo!

Muli na namang bumanat si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung saan si Senadora Leila de Lima ang tinarget nito dahil sa isyu ng pagiging tapat ng mga kandidato.

Ito’y sa kabila ng pagpigil sa kanya ng inang si Ginang Elizabeth Zimmerman na itigil ang pagbanat sa mga kalabang politiko.

Sa open letter ng alkalde kay De Lima, tinawag nitong matalinong bobo ang senadora dahil inatake siya nito nang hindi muna binasa ang buong konteksto ng kanyang sinabi patungkol sa isyu ng pagiging tapat na kandidato.

Hindi aniya muna inintindi ni De Lima ang buod ng kanyang sinabi kaya malinaw kung anong uri ng pagkatao nito.

“I thought it best to write a letter since you probably do not have access to a television. If I am an example of what is wrong and what could be worse for our government, you just described yourself as well. You are the worst because you are intelligent and dumb all in one head. You are the only person from the Black Hole who said it right, dapat ang botante ang nagsasabi kung ano ang hinahanap niya sa kandidato. But you are dumb as well, for attacking me without reading the entire transcription of my statement and comprehending what I said,” ani Mayor Sara.

Kuwestiyonable rin aniya ang pagiging tapat ni De Lima bilang senadora dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.

Hinamon ng alkalde si De Lima na gumawa ng batas at isama bilang requirement sa lahat ng mga Filipino ang honesty o katapatan bago sila tumakbo sa puwesto at sa ganitong paraan aniya ay maisalba ang gobyerno sa mga taong katulad niya, kay Vice President Leni Robredo, Presidential Spokesman Salvador Panelo, Congressman Gary Alejano, Florin Hilbay at sa lahat ng “De Lima” sa buong mundo.

“You are a senator — honesty about your involvment in the illegal drugs business under scrutiny by the courts — how about you make a law adding honesty as a requirement for all Filipinos before they can run for public office. Maybe then you can save the government from yourself, Inday Sara, Leni, Digong, Panelo, Alejano, Hilbay, and the all the De Limas of the universe,” ani Mayor Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?