380

Jan 31, 2020 @ 20:17
By

Sapatos ni Bryant pumatak ng P142M

Pumatak sa halos US$2.8M na katumbas ng P142M ang naging halaga ng isang sapatos ni Kobe Bryant mula sa isang eBay seller matapos ang pagkamatay ng NBA legend nitong Enero 26 sa helicopter crash sa Calabasas City, Los Angeles, California.

Kalahating araw pa lang matapos yumao si Black Mamba, dumagsa na ang mga ‘sneaker head’ at kanya-kanyang unahan na para makabili ng Kobe shoes, mapa-mall man at online kung saan sold out na agad ito dahil sa taas ng demand.

Nag-anunsiyo pa nga ang kompanyang ineendorso dati ng basketbolista na Nike na ipahinto ang pagbebenta ng mga sapatos ni Bryant dahil sa biglaang malaking pagtaas ng presyo sa merkado saan mang panig ng mundo.

Pero sa kagustuhan namang makakolekta ng gamit ng kanilang lodi, maging ang eBay, isang auction selling site ay pinatos na rin ng mga tagahanga ni Black Mamba.

Pero laking gulat ng iba nang madiskubreng ang isang pares ng sapatos ni Kobe na may pirma niya ay umaabot sa $2.8 million.

Ang nasabing sapatos ay pirmado mismo ni Kobe taong 2002 kung saan nagwagi ito ng w-peat champion ang Los Angeles Lakers sa pamumuno ng Kobe-Shaquille O’Neal tandem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?