51

By

Sapakang Inoue-Donaire, Fight of the Year!

Matapos ang matinding bakbakan nina Filipino boxing star Nonito ‘Flash’ Donaire at undefeated Japanese champion Naoya Inoue para sa titulong super bantamweight, opisyal itong kinilala ng Boxing Writers Association of America o BWAA na ‘Fight of the Year’.

Magugunitang naging mainit ang bakbakan ng dalawa nitong nakaraang Nobyembre 7 sa Saitama Super Arena sa Japan dahil sa mga patutsadang nilabas ni Donaire sa kalaban, na kabaligtaran ng dalawa dahil sa pagiging tahimik lamang ng 26-anyos na Hapon, ngunit sa dulo ay binitbit nito ang kampeonato at nadaig si ‘Filipino Flash’.

Bukod sa init ng suntukan ay nahaluan ng drama ang upakan ng dalawa dahil sa hiniling ng 37-anyos na Pinoy fighter na hiramin saglit ang tropeo ni Inoue upang maipakita sa kanyang mga anak, na una nitong pinangako na maiuuwi ang panalo.

Dahil sa kontrobersal nilang sagupaan ay kinilala itong Muhammad Ali – Joe Frazier 2019 Fight of the Year ng BWAA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?