21

By

Sangley airport project pinaubaya sa MacroAsia ni Lucio Tan

Ibinigay ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang Sangley Point International Airport Project na nagkakahalaga ng P208.5 bilyon sa MacroAsia Corporation ni Lucio Tan kasama ang China Communications Construction Company Ltd. (CCCCL)

Sabi ng MacroAsia, natanggap nito ang Notice of Selection and Award sa email nitong Biyernes mula sa provincial government ng Cavite na ang consortium nito kasama ang CCCCL ang pinili nito.

Joint venture project ang diskarte sa Sangley Point International Airport kung saan kasama ng MacroAsia at CCCCL ng China ang provincial government ng Cavite sa pag-develop at implementasyon ng Phase 1 nito.

Oras na magkapirmahan na ng joint venture development agreement, gagawin ng consortium ng MacroAsia at CCCCL ang detailed engineering nito sa loob ng 12 hanggang 18 buwan at saka pa lang nila ikakasa ang pagpondo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?