76

Jun 27, 2020 @ 17:41
By

Sangguniang Panlalawigan member sa Romblon, tinarakan sa leeg

Utas ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Romblon matapos makita ang saksak sa leeg nito sa loob mismo ng kanyang bahay sa Odiongan, Romblon nitong Sabado.

Batay sa report ng pulisya, magbibigay ng pagkain ang isa sa boarder ni Robert Maulion, 58, sa kanilang tahanan ng tumambad ang bangkay nito.

Makikita sa katawan ng biktima ang tanda ng panlalaban dahil sa mga sugat nito sa kamay, gayundin ang saksak sa leeg nito na dahilan ng pagkamatay ng SP member.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo at suspek sa marahas na pagpaslang kay Maulion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?