82

Sangalang pangalso kay Fajardo

Si June Mar Fajardo pa rin ang nangungunang pambato ng San Miguel Beer, ang five-time MVP ang inaasahang gigiya sa paghahabol ng team ni coach Leo Austria sa panlimang sunod na PBA Philippine Cup title.
Sa Magnolia Hotshots, ang stats ni Ian Sangalang ang pinakamaangas sa players ni coach Chito Victolero.
Pero milya-milya ang layo ni Fajardo, pagkatapos ng 11 games sa eliminations at 8 sa playoffs ay nag-average ng 20.6 points at league-leading 13.1 rebounds per game.
Tumatagal ng higit 34 minutes sa loob bawat laro si Fajardo, may 2.4 assists at 1.7 blocks pa bawat gabi.
Nangailangan lang ng five games ang Beermen bago sinipa ang top seed Phoenix sa semifinals. Sa kabilang banda, nasagad sa seven games ang Hotshots bago naipagpag ang No. 2 Rain or Shine sa final four.
Si Sangalang, naka-21 games na sa kabuuan at nakakapagsumite ng 15.1 points, 9.4 rebounds, 2.0 assists at 1.1 blocks per game sa loob ng 33.4 minutes per game.
Nasa SMB rin ang conference leader sa assists, si Chris Ross na namimigay ng 6.7 dimes bawat salang.
Apat pang Beermen ang nakakapagsumite ng double figures sa puntusan bawat laro – Alex Cabagnot (15.7), Christian Standhardinger (13.5 points, 7.6 rebounds), Marcio Lassiter (12.7) at Arwind Santos (11.2).
Ang veteran guard ng Magnolia na si Paul Lee, nagsusumite ng 14.2 points, 4.8 rebounds at 3.1 assists per game.
Pagdating ng playoffs, level up din ang laro ng bagong salta sa San Miguel na si Terrence Romeo. Sa Game 4 ng semis kontra Phoenix, nagpasabog si Romeo ng 17 points sa third tungo sa 114-91 win. Offseason nang dumating si Romeo sa SMB mula TNT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?