46

By

Sandra Bullock super lugmok sa pagkamatay ng ama

Nagluluksa ngayon ang Oscar winner na si Sandra Bullock dahil sa pagpanaw ng kanyang 93-year-old father na si John W. Bullock.

Ang boyfriend ni Sandra na si Bryan Randall ang nag-break ng sad news sa kanyang Instagram.

“As a father, grandfather and WWII veteran, we #thankyouforyourservice. PS: Hey God, we’re sending you a live one!” caption pa ni Bryan.

Hindi naman daw nawala ang pamilya at mga kaibigan ni John. Nakapaligid ito sa kanya noong magpaalam na ito.

Hindi pa raw kayang humarap si Sandra sa media dahil mabigat ang pangyayaring ito sa buhay niya.

Very close si Sandra sa kanyang ama na nagiging date niya sa mga ina-attend-an na red carpet events during the ’90s.

Unang pumanaw ang ina ni Sandra na si Helga noong 2000 sa edad na 58.

Nagkakilala ang magulang ni Sandra sa Nuremberg, Germany. Doon na sila kinasal at ipinanganak ang aktres bago sila nag-migrate sa Amerika. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?