66

By

Sandara nagbaon ng Choc Nut sa Paris

Ikinatuwa ng mga Filipino fan ang pagbitbit ni South Korean star Sandara Park ng tsokolate na gawang Pinoy sa pagdalo nito sa Paris Fashion Week.

Sa YouTube video ng Elle Korea, ipinakita ni Sandara ang laman ng dala niyang bag habang patungo sa venue ng Paris Fashion Week noong March 3.

Ikinagulat ng lahat nang ilabas nito ang isang Choc Nut, na isinalarawan ni Sandara na “national chocolate” ng Pilipinas.

Ito umano ang kinakain niya para gumanda ang kanyang mood.

Proud na proud naman ang mga nakakitang Pinoy dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?