39

By

Sanay na! Thompson, Aguilar dedma sa ‘Bora joke’

Kasunod ng popular na pang-asar sa Ginebra San Miguel na ‘kangkong’, sunod na marahil ang ‘Boracay’ bilang pamosong pang-inis ng mga hater sakaling maagang malaglag ang koponan sa conference.

At kaakibat ng milyong fan ng Ginebra, siksik-liglig din ang kanilang mga hater na nagsusulpiutan sa tuwing sila’y natatalo.

Maagang yumuko ang Ginebra, pinatalsik ng Magnolia sa tatlong laro, at dahil dito, nagpiyesta ang mga basher sa panunukso sa koponan.

Ngunit hindi alintana nina Scottie Thompson, Japeth Aguilar at LA Tenorio. Ika nga, sanay na sila.

“Palagi naman ganoon eh, kung sino ang ma-out [Bora Cup]. Hayaan ko lang ang mga haters,” ayon kay Thompson.

Para naman kay Japeth, deserve nila ang matukso dahil sa subpar performance nila sa quarters.

“Well maki-criticize talaga kami sa ganitong performance namin. We want this all-Filipino conference pero they showed na they wanted it more so give credit where credit is due talaga,” aniya.

Magiging motibasyon naman para kay LA ang pagkatalo, ensayo pa rin kahit bakasyon para sa PBA Iron Man. Target niyang makabalik sa PBA Commissioner’s Cup kung saan sila ang defending champs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?