75

By

Sanay na kami: Imee Marcos umiwas muli sa school record issue

Tila nagsasawa na si Hugpong ng Pagbabago senatorial bet Imee Marcos sa mga patuloy na tirada sa kanya ukol sa kanyang academic record.

Sa kampanya sa Agusan del Sur, lumutang ulit ang isyu ukol sa kanyang kredibilidad bilang senador patungkol sa mga hindi totoo umanong claim ni Marcos na nakapagtapos siya sa ilang unibersidad.

“Nasanay na kami,” aniya.

“Next question, thank you,” tugon nito ng muling maitanong sa isyu.

Matatandaan na naglabas na ang pahayag ang University of the Philippines College of Law at Princeton University, sinabing hindi umano nakapagtapos sa kani-kanilang institusyon si Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?