654

By

Sana oil! Win Gatchalian, Bianca lantaran na ang sweetness

Sina Iza Calzado, Tootsy Angara at marami pang iba ang nagkumpirma na isang taon na nga ang relasyon nina Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian.

Kung noon ay madalang mo ngang makita sa social media account ni Bianca ang mga photo nila ni Sen. Gatchalian, ngayon nga ay napapadalas na ito.

At dahil anibersaryo nga ng relasyon nila, heto nga at super pa-sweet si Bianca sa Instagram post niya ng photo nila ni Sen. Win, na sa una ay iisipin mong pre-nuptial pictorial, ha!

“Imagine being loved the way you love,” caption ni Bianca na may kasamang puso.

‘Yun nga lang, may reklamo si Sen. Win sa pinost na photo na ‘yon ni Bianca.

stgatchalian74: “Laki ng tiyan ko.”

Na hirit ni Bianca: “@stgatchalian74 nakatalikod naman…”

Anyway, super aprubado nga ng mga fan ang relasyon na ito nina Sen. Win at Bianca.

Kanya-kanyang mensahe ng pagsuporta ang pinost ng mga fan.

rosellelabis: “happy for u miss @biancamanalo i pray na kayo na magkatuluyan.”

edzkirk: “Kasalan na toh….very happy for you ms. Bianca.”

marilyn.leones: “Happy for you miss Bianca.”

gemini_peace_: “I feel this comin.”

socris_tina167: “I’m so happy for you kuya Win finally. You deserved that happiness.. from one of the Valenzuelanos. thank you @biancamanalo for loving our kuya Win.”

Well, ‘sana oil’ nga ang say ng marami sa photo ng dalawa.

View this post on Instagram

Imagine being loved the way you love. ♥️

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?