49

Sana all! SEAG stadium sa Laguna walang aberya

Proud ang opisyal ng Biñan City Football Stadium dahil maayos ang stadium sa lungsod ng Laguna na isa sa mga gagamitin para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Gumagana ang ticketing booth, mga portalet, lost and found area, air-conditioned media center, at 3,000 seating capacity,

Handa rin umano ang halal-certified food at lounge para sa mga VIP,

Nitong Lunes ginamit ang stadium sa football match ng Vietnam at Brunei, at ayon sa venue manager ay wala namang naging aberya bukod sa pagkontrol nila sa mga mamamahayag na nagko-cover.

Kung saan-saan sila tumatakbo dala nila ’yung bag nila. So ngayon, nagbawal na kami na ibaba nila ’yung bag nila, at cameras nila,” ani Ariel Serrantes sa isang ulat.

Kaiba ang Biñan City Football Stadium sa ibang mga venue ng SEA Games na inulan ng batikos at kritisismo, pareho mula sa mga Pinoy at dayuhang observer.

Kung kailanganin, handa naman umano ang Biñan na i-accommodate ang games sa Rizal Memorial Stadium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?