151

By

Sana all! Libong Manileño nakilinis sa Baseco beach

Dinagsa ng libu-libong volunteer ang Baseco Beach sa Port Area sa Maynila para sa ika-34 International Coastal Clean-up Day ngayong Sabado, Setyembre 21, 2019.

Pinamagatang “Bayanihan para sa Malinis na Karagatan,” layon ng gobyerno ng Maynila na linisin ang Baseco at iba pang coastal area sa tulong ng mga Pinoy at iba pang mamamayan.

Sa video at mga larawang kinuhaan ng Manila Public Information Office, makikitang tuluy-tuloy sa pamumulot ng iba’t ibang klase ng basura ang mga volunteer.

Kasabay nito, nagpulot din ng mga basura ang mga tauhan ng Department of Public Services sa Baywalk, Roxas Boulevard.

Parte ang mga clean-up ng kampanyang “Bagong Maynila” ng lokal na gobyerno ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?