24
Managuelod, Orbeta panauhin sa 35th TOPS 'Usapang Sports'

San Miguel-Alab Pilipinas sa TOPS ‘Usapang Sports’

Bibisita ang San Miguel Beer-Alab Pilipinas basketball team, sa pangunguna ni coach Jimmy Alapag, sa 45th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization In Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ibabahagi ni Alapag, naging team captain ng Gilas Pilipinas at assistant coach ng San Miguel sa PBA, ang kanilang tsansa sa 2019-2020 season ng ASEAN Basketball League (ABL) na sisimulan sa Nov. 16.

Nahirang ang 41-year-old na binansagang ‘Mighty Mouse’ sa PBA, bilang head coach ng Alab noong August 2017 at pinangunahan ni Ray Parks sa 2018 ABL championship sa best-of-five series kontra Mono Vampires ng Thailand noong April 22-May 2, 2018.

Inaasahan na makakasama ni Alapag sa session ang ilan nitong mga player.

Panauhin rin sa 10am public service program handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association ang Mabalacat Clark Global City Tribes, pinakabagong member-team na sasabak sa CBA 2nd Season sa darating na Oct. 27.

Dadalo para sa Team Mabalacat sina playing Mayor Cris Garbo at team officials Books Fabello at Michael Sumang.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members ng TOPS na dumalo sa session na mapapanood din sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?