55
San Juan Knights, Ginebra ng MPBL - Jinggoy
By

San Juan Knights, Ginebra ng MPBL – Jinggoy

Never say die attitude ang tatak ng Ginebra, at nakikita ito ni dating Senador Jinggoy Estrada sa San Juan Knights.

Sa press launch ng koponan, ibinida ni Jinggoy ang Knights kung saan siya rin ang team owner para sa susunod na season ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

“Ang masasabi ko lang sa team na ‘to, they have the determination, meron silang puso na manalo, and as far as I’m concerned ito ang Ginebra ng MPBL,” ayon kay Estrada.

“Because of their never-say-die attitude,” aniya pa. “Talagang if you remember our last game against Davao, talo na ‘yun eh. Pero the boys never gave up. They were really determined to win the championship.”

Sa sinabing laban ni Jinggoy, kinailangang habulin ng San Juan ang nine point lead sa dulo ng laro para maitakas ang kampeonato kontra Davao Occidental Tigers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?