30

By

Sama-sama pa sa isang kwarto! nCoV quarantine area ng mga Pinoy, walang tubig

Nagreklamo ang isang pasahero na kasama sa na-quarantine matapos lumapag ang eroplanong sinasakyan sa Mactan-Cebu International Airport.

Una ay hindi umano sila inabisuhan na sila’y sasalang sa 14-day quarantine period, na isa sa protocol ng gobyerno sa mga manggagaling sa mga Pinoy na galing sa bansang pinapatupad ang travel ban.

78 ang pasaherong dumating sa Cebu galing sa Taiwan, na kasama sa bansang nasa ilalim ng travel ban.

Alas-10 ng umaga nitong Miyerkoles dumating sa Pilipinas ang mga Pinoy, at nanatili umano sa holding area hanggang alas-8 ng gabi.

Nagulat din umano ang mga pasahero na sila’y nagulat nang salubungin ng mga pulis na may hawak na mga baril.

Ayon kay MCIA General Manager Steve Dicdican, mayroong mga pasaherong ayaw magpa-quarantine kaya naman nagpatulong sa mga pulis para makontrol ang sitwasyon.

Aniya pa, pagdating nila sa quarantine area ay tila dating classroom ito na nagsasama-sama pa umano ang mga naka-quarantine sa iisang kwarto.

Hiling din nito ang basic necessity dahil wala umanong suplay ng tubig sa quarantine zone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?