223

May 23, 2020 @ 20:42
By

Sam umamin na sa relasyon kay Catriona

Kinilig ang marami sa latest Instagram post ni Sam Milby ngayong birthday niya.

Nag-trending din ang Sam Milby at Catriona Gray sa Twitter PH nitong May 23 matapos mag-post ang singer-actor ng larawan habang kayakap ang Miss Universe 2018.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Worth every second of the wait. Most special birthday yet”, na tila may relasyon na ang dalawa.

Matatandaang noong nakaraang taon na-link ang dalawa matapos kumalat ang litrato kung saan kasama ni Queen Cat sa bakasyon si Milby.

Kapwa nasa ilalim ng agency na Cornerstone ang dalawa.

Kabilang sa bumati kina Sam at Catriona ang ilang celebrity friends.

Iamangelicap: “Ayiiie! Happy birthday sam! Very very happy for the both of you!”

Itskcconcepcion: “Finally.”

Eriksantos: “Happy birthday brother. Happy for you.”

Iyavillania: “Ayuuuuun happy birthday!!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?