37

Sam Smith magbabalik sa PHL para sa show

Tatlong taon matapos ang kanyang sold-out Manila concert, magbabalik sa Pilipinas ang Grammy Award winning artist na si Sam Smith para sa isang show sa Oktubre 5, 2018 sa SM Mall of Asia Arena.

Inanunsiyo ito ng concert promoters nitong MMI Live sa social media kaninang hapon.

Bahagi ang Manila concert ng “The Thrill of it All” world tour niya na magsisimula sa Europe sa Marso.

Ayon pa sa MMI, mabibili na ang tickets para rito sa Abril 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?