44
Salisi ng mountain bike, nalambat sa Marikina
By

Salisi ng mountain bike, nalambat sa Marikina

Nadakip ang isang 27-anyos na lalaki matapos nitong tangayin ang mountain bike ng biktima na bumili lang ng ulam sa Barangay Parang, Marikina City.

Kulungan ang bagsak ng suspek na si Edward Desimo, 27, residente ng Marikina City nang makorner ng mga barangay tanod na sina Alex Barrameda at Nilo Garido at agad na dinala sa Marikina Police station para kasuhan.

Nahaharap sa kasong theft si Desimo makaraang ireklamo ni Albert Dalumpines, 35, machine operator.

Naganap ang insidente alas-7:45 ng gabi ng Marso 12 sa E. Rodriguez St., Barangay Parang, habang bumibili ang biktima ng barbeque na kanilang hapunan.

Ayon sa biktima, inilagay lang niya sa tabi ang kanyang mountain bike para bumili ng ulam nang mapansin niyang kinalas ng suspek ang kadena na nakalagay dito saka sinakyan at pinatakbo.

Hinabol ng biktima ang suspek at doon na narinig ng mga barangay tanod ang paghingi ng tulong ng una kaya naharang si Desimo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?