25

By

Salas nagmaldita sa Angels, Perlas Spikers winalis

Gaya sa unang pagtutuos dalawang linggo pa lang ang nakakalipas, muling nag-alsa ang mga import na sina Cuban Wilma Salas at American Janisa Johnson upang kumpletuhin ang eliminations sweep sa Banko, 25-23, 25-11, 22-25, 25-20, Miyerkoles ng gabi.

Kung gaano kaningas sa pag-sweep sa first round elims sa 5-0 record, malagablab ding tinalupan ng PG ang panimulang kampanya sa second round para manatiling unbeaten sa six games at makasigurado ng playoff para sa semifinals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Umigkas si Salas sa PetroGazz ng 37 points, 35 mula sa atake at dalawang blocks, samantalang sumukli si Johnson ng 24 markers sa pagsasabwatan nila na isalya ang Perlas Spikers sa 2-4 win-loss record para mapako sa fourth spot.

“Again one game at a time lang din. Ang focus naman namin talaga every game ay mag-improve,” suma ni Angels coach Arnold Laniog.

May mahalaga ring ayuda kina Salas at Johnson si middle blocker Jeanette Panaga na nakasiyam na puntos.

Susunod sa landas ng Olongapo-based volleybelles ang winless pa sa 5 games at kulelat sa six-team tourney BaliPure sa Linggo, Hunyo 16

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?