45

By

Sakay sa MRT 3, libre sa Araw ng Kalayaan

Libre ang sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) sa June 12, 2018, kasabay ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang libreng sakay ay paiiralin mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng DOTr at MRT 3 sa ika-120 taong ng Araw ng Kalayaan sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?