106

By

Sakaling miss mo na ko: Kris pinagtripan si Falcis

Nakakatuwa ang naging balik ni Kris Aquino sa nakabanggang si Nicko Falcis matapos siyang i-block nito sa Instagram.

Muling nag-iringan ang dalawa ngayong araw matapos i-dismiss ng Taguig Prosecutor’s Office ang kaso ni Kris kontra kay Falcis, ngunit bumalikwas at inirekumenda ang kasong estafa at credit fraud laban sa dating business manager ng Kris Cojuangco Aquino Productions.

Sa IG story ni Falcis, makikita na finollow ni Kris ang dating empleyado, na hindi nagustuhan ng una.

Na-block si Kris sa social media account ni Nicko dahilan para mag-post naman ang ‘Queen of All Media’ ng video kung saan makikitang magkasama pa ang dalawa.

“Nicko, i only wanted to check on you, after all no matter this unfortunate ending, we actually did build SOMETHING to be proud of… tumingin lang ako sa IG mo, BLOCK agad? How sad… Just in case you miss me- edited a video to refresh your memory,” saad ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?