34

By

Sailor Moon condoms ipamamahagi laban sa STD

Libreng ipamimigay ng Japanese government ang mga condom na may temang Sailor Moon para labanan ang sexually transmitted disease (STD).

Nakipag-partner na umano ang Ministry of Health, Labor and Welfare sa Okamoto para mag-produce ng mga Sailor Moon-themed condom, ayon sa Sailor Moon official website.

Una nang namigay nang libreng condom sa Fukuoka noong Oct. 5 habang panibagong set ang nakatakdang ibigay sa upcoming event sa Hiroshima sa Oct. 14.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumamit ng Sailor Moon-themed na condoms ang Japanese government.

Taong 2016, nasa 60,000 condoms ang pinamahagi para naman labanan ang syphilis at iba pang STDs sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?