44

By

Saging ginawang inspirasyon ni Meghan Markle

Nagsulat ng iba’t ibang mensahe ng inspirasyon si Meghan Markle, Duchess of Sussex at asawa ni Prince Harry, sa mga saging na ipamimigay sa mga kababaihang tinutulungan ng isang charity.

Isinulat ni Meghan Markle ang mga mensahe sa balat ng saging upang magbigay inspirasyon sa mga makatatanggap nito.

Isinulat nito ang mga salitang “You are strong”, “You are special”, at “You are brave!” at nilagyan pa ng marking puso sa huli ng bawat mesahe.

Ang naturang charity ay bilang pagtulong sa mga babaeng sex worker upang makawala na ang mga ito nang tuluyan mula sa prostitusyon.

Ang organisasyon na binisita ni Markle ay ang One25 organization sa Bristol. Southwest England.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?