50

By

Saab Magalona nanganak na!

Ipinanganak na kahapon ni Saab Magalona si Vito Tomas, ang pangalawang anak nila ng asawang si Jim Bacarro.

Pinost ni Saab ang larawan nilang tatlo sa Instagram kanina, Setyembre 17.

“We finally met another best friend yesterday! Say hello to our 9.2-pounder Vito Tomas Magalona Bacarro (emoji: nakangiting mukha),” ayon kay Saab.

Pebrero 2018 nang isilang ni Saab ang kanyang anak na si Pancho, subalit hindi nakaligtas ang kambal nitong si Luna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?