40

May 21, 2020 @ 14:23
By

Sa pagkain gumastos! Gladys Guevarra ayaw sa mass testing

“Ano ba kase ang magagawa rin ng mass testing?”

Ito ang tanong ng komedyana-singer na si Gladys Guevarra, matapos umapela ang mga kapwa niya artista para sa malawakang coronavirus testing sa bansa.

Giit pa ni Gladys sa Facebook, Mayo 19, bakuna ang lulupig sa COVID-19, hindi mass testing.

“eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected? … Eh yung mga 1st world country nga di maapula yang lintek na virus na yan,” wika ng dating TV host.

“At pag nagpa MASS TESTING, maglalabas ulit ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal sa results? Imbes na yang pondo nakakatulong ngayon sa pagkain sa pangkalahatan, lalo mas mga nangangailangan?,” sey niya pa.

Matatandaang balak ilunsad ng ilang celebrity gaya nina Angel Locsin, Anne Curtis at Bea Alonzo ang isang fundraiser para sa mass testing ng mahihirap na sektor sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?