91

Jan 31, 2020 @ 18:17
By

Sa loob ng 1 buwan: 200 patay, 9.7K nahawa ng nCoV

Isang buwan mula nang unang maiulat ang novel coronavirus (2019-nCoV), nasa 213 na ang namatay sa mainland China.

Ngayon ding Enero 31 ng umaga, 9,776 na ang kumpirmadong kaso ng mala-pneumonia na sakit sa 23 apektadong bansa, kabilang ang Pilipinas.

Kumpara ito sa siyam na buwan na tinagal bago mahawa ang 10,000 katao sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), ayon sa tala ni dating Health Secretary Esperanza Cabral.

Disyembre 31, 2019 unang naiulat ang virus, hanggang matukoy na unidentified pathogen noong Enero 7, 2020, at makumpirmang may human-to-human transmission ang virus noon lamang Enero 21.

Kahapon, Enero 30, binalita ang unang nagpositibong kaso ng 2019-nCoV sa Pilipinas: isang babaeng Chinese na mula sa Wuhan City sa Hubei, China at bumiyahe sa Hong Kong, Cebu, at Dumaguete bago nagpaospital sa Metro Manila.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kasalukuyang nakahiwalay at ginagamot ito sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?