51

Jun 30, 2020 @ 14:29
By

Sa ika-4 taon bilang pangulo: Duterte binigyan ng bagsak na grado

Bagsak na grado ang ibinigay ni ACT Teachers Rep. France Castro kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikaapat na tao nitong panunungkulan bilang Pangulo.

Ayon sa solon, sa loob ng apat na taon ng Pangulo sa Malacañang, apat na taon na ring naghihirap ang taongbayan at nahahrap sa karahasan, korupsiyon at kapabayaan partikular sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Sa ilalim ng apat na taon bilang Presidente ni Pangulong Duterte, wala nang ibang naranasan ang mga Pilipino kundi lalong pagpapahirap at patuloy na pananakot laban sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat ordinaryong Pilipino. Wala ring nakaligtas sa pagpapahirap ng administrasyong Duterte, kahit bata, guro, health worker, artista at mamamahayag,” ayon kay Castro.

Partikulat na tinukoy ng kongresista ang pagkabigo at kahinaan ngDuterte administration sa pagtugon nito sa pandemia.
Mas pinili umano nitong gumamit ng solusyong militar sa halip na isang kongkreto at sistemtikong medical solutions.

“The health and economic crisis we are experiencing now is brought by the state’s negligence, incompetence and lack of care for the Filipino people. Ang kapabayaan at kapalpakan ng administrasyong Duterte sa pagsugpo sasakit na COVID ang lalong nagpapahamak at pumapatay sa milyong Pilipino. This administration must be held accountable for the state violence, corruption and state neglect to the people,” ayon kay Castro.

Bukod dito, dagdag ng kongresista, ang mga ipinatupad na anti-people policies ng administrasyon ay patuloy diumanong nagpapahirap sa taongbayan partikular sa mga mahihirap tulad ng tax packages, jeepney modernization plans at Build, Build, Build projects na tanging ang iilan lamang ang nagbebenipisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?